Sa aming mahal na kapwa Pilipino, kami po ay malugod na nag-aanyaya sa inyo na dumalo sa aming pagtitipon dito sa MELROSE COMMUNITY CHURCH na nagmamalasakit sa ating suliranin o pagsubok sa buhay lalo na nitong dulot ng pandemia o Covid 19. Kami po ang MELROSE COMMUNITY FILIPINO FELLOWSHIP na bukas ang aming mga puso sa pag-aanyaya sa aming Zoom Meeting/fellowship account kada ika apat na araw ng Martes ng buwan, mula alas siete ng gabi (7pm) hangang alas otso ng gabi (8pm). Maari rin po kayong sumali sa regular na WORSHIP SERVICE ng Melrose Community Church kada linggo ng buwan mula alas onse (11am) ng umaga hanggang alas dose (12 noon) ng tanghali.